Sunday , December 22 2024

Lola dadalaw sa Taguig jail tiklo sa shabu

NAHULIHAN ng pulisya ng hinihinalang shabu ang isang 63-anyos lola nang dumalaw sa kulungan kahapon sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Si Floridad Patricio, ng Sitio Pag-Asa, Brgy. San Martin de Porres, Parañaque City ay kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng Taguig Police.

Ayon sa natanggap na ulat ni Taguig City Police chief, Sr. Supt. Arthur Felix Asis, dakong 10:45 a.m. nang mabuko ang suspek na may itinatagong shabu sa Taguig Visitors Gate Searching Area ng BJMP, Camp Bagong Diwa ng naturang lungsod.

Dadalawin sana ni Patricio ang isang bilanggo na hindi pinabanggit ang pangalan,  ngunit nang kapkapan ni JO1 Frizan Samonte ng BJMP ay nakuha sa kanya ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Samantala, arestado kamakalawa dakong 3 p.m. sa isang anti-drug operation ng mga awtoridad sina Emmanuel Taipe, 20, ng 211 Paso St., Gutierrez Compound, Brgy. Bagumbayan, Taguig City, at Reymon Solis, 20, helper, ng 1st Avenue Laura Drive, ng nabanggit na barangay.

About Jaja Garcia

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *