Friday , November 15 2024

3 HS students sugatan sa frat war?

INAALAM pa ng Taguig City Police kung may kinalaman sa frat war ang nangyaring pagbaril sa tatlong high school student ng tatlong binatilyo kahapon sa nasabing siyudad.

Nilalapatan ng lunas sa Taguig-Pateros District Hospital ang tatlong biktimang may gulang na 14 hanggang 16-anyos, pawang ng nabanggit na lungsod.

Habang nagsasagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad laban sa mga suspek na sina alyas Dennis, Bang at Dudoy, 15 hanggang 17-anyos, ng nabanggit ding lungsod.

Base sa ulat na nakarating kay Taguig City Police chief, Sr. Supt. Arthur Felix Asis, dakong 3 a.m. nang mangyari ang pamamaril  sa A. Reyes Extension,  Purok 3, Brgy. New Lower Bicutan, harap ng Taguig National High School ng naturang siyudad.

Sa pagsisiyasat ni SPO2 Glenda Aquino ng Women and Children’s Concerned Desk ng Taguig Police, nagpapahinga ang biktima sa harapan ng naturang eskwelahan nang sumulpot ang mga suspek na armado ng sumpak at pinaputukan ang tatlo sa hindi pa batid na dahilan.

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *