Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Planong konsiyerto ni Alden sa Big Dome, suicide raw

100515 alden
“SUICIDE!” Ito ang reaksiyon ng aming kausap ukol sa napapabalitang pagko-concert ni Alden Richards sa Big Dome.

“Hindi siya si Daniel Padilla!” kasunod nitong sabi na tumataginting na P1-M ang magiging talent fee ng aktor(Alden).

Nagpapasalamat kami sa aming kausap dahil nalinawan kami sa matagal na naming katanungan sa  pangungulimlim ng karir ng aktor noon mula nang natapos ang Bet Ng Bayan with Regine Velasquez.

Naisip naming na baka may nagawa si Alden na laban sa regulasyon ng network kaya biglang ‘di nabigyan ng mga proyekto.

Ayon sa aming kausap, kailanman ay hindi sumikat ang aktor gaano  si Alden kahit maraming projects noon sa Kapuso dahil hindi naman daw ito nagre-rate at hindi pinag-uusapan. ”Sa rami ng mga project niyan eh, the question is napansin ba siya noon? Ano ang nangyari roon sa ‘Alakdana’? May rating ba ang ‘Ilustrado’?”

Mabuti na lang daw at dumating si Yaya Dub  dahil ito ang sumagip karir  ng actor. ”Kaya suwerte lang siya dahil natiyempuhan niya ‘yang si Yaya Dub. Kung tutuusin ang nagdala r’yan ‘yong Yaya Dub.

“Basta nawala iyong Yaya Dub, wala na rin ‘yan.  Dry kasi ang personality ni Alden eh. May hitsura pero hindi ganoon kalakas ang appeal talaga.”

Ganito Kami Noon At Ngayon sa DZRH, uumpisahan na!

IN line with the radio shows of DZRH na may konseptong awitan na nahinto lamang nang nawala ang Harana na humahataw sa gabi noong buhay pa ang beteranang radio lady na si Tiya Dely Magpayo. Hinahanap ngayon ng mga tagapakinig ng programang may kopsepto tulad ng nasabing programa.

Kaya naman, noong birthday namin, nag-guest kami sa radio show ni Bossing Andy, ang Short Time DZRH na kumanta kami ng One In A Million You  at  Usahay, Bisayan song at naalala namin ang nasabing show ni Tiya Dely. Agad naming naisip ni Bossing Andy na ibalik ang radio show na may kantahan kaya nakaplano na ang Ganito Kami Noon At Ngayon na isang beses naririnig sa nasabing show.

Una naming naisip na magiging panauhin sina Victor Wood, Anthony Castelo,Faith Cuneta, Dariuz Razon at puwede rin sina Imelda Papin,  Eva Eugenio, Claire Dela Fuente, Tessie Lagman, Cynthia Garcia at marami pang-iba para sa isang madaling araw na palabas mula 12:00-4:00 a.m..

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …