Tuesday , April 15 2025

Palasyo kaisa sa pagbubunyi sa Gilas Pilipinas

NAKIKIISA ang administrasyong Aquino sa sambayanang Filipino sa pagbubunyi sa Gilas Pilpinas sa pagsungkit sa silver medal sa katatapos na 2015 FIBA Asia championship sa Changsa, China.

Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., sa kabuuan ng kanilang paglalaro, ipinakita ng Gilas Pilipinas ang kanilang tapang at determinasyon, at hinarap nila ang lahat ng mga pagsubok.

“Hindi sila nagpatinag at nagpasindak at nakipagsabayan sa kanilang mga katunggali sa lahat ng aspekto ng laro. Ipinakita nila ang natatanging uri ng paglalaro ng mga Filipino na magiting, marubdob, at puno ng puso na siyang dahilan upang umani ng paghanga at respeto mula sa mga pinakamagagaling na koponan sa Asya,” aniya.

Nananalig aniya ang Palasyo na bagama’t nagkaroon ng setback sa kanilang hangad na mag-qualify para sa 2016 Olympics, mayroon silang panibago pang pagkakataon sa darating na taon, at nananalig  na sila ay makapapaglakas at makapagsasanay para matamo na ng pagbabalik ng Filipinas sa 2016 Rio de Janeiro Olympic Games.

“Kaya, muli, nakikiisa tayo sa pagsigaw ng ating mga mamamayan ng “Gilas Pilipinas, PUSO!” sabi pa ni Coloma. 

About Rose Novenario

Check Also

MRT-7 post West Avenue

Sa Quezon City
Poste ng gingawang MRT-7 bumigay

BUMIGAY ang isa sa mga poste ng ginagawang MRT-7 sa bahagi ng West Avenue, sa …

Parañaque Police PNP

2-anyos nene ini-hostage kelot timbog sa Parañaque

ARESTADO ang isang lalaki na nang-hostage sa isang 2-anyos batang babae sa loob ng isang …

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Bea Alonzo Tom Rodriguez

Bea nagpaiyak sa Magpakailanman 

RATED Rni Rommel Gonzales BIGATIN ang cast ng pre-Holy Week presentation ng Magpakailanman sa pangunguna ni Bea Alonzo. …

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *