Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mundo maaaring gunawin ng mga alien

100515 alien
INIHAYAG kamakailan ni Propesor Stephen Hawking, at gayun din ng ilang prominenteng siyentista, ang paglunsad ng bagong US$100 milyong inisyatibo para hanapin ang katibayan ng intelihenteng extraterrestial (ET) life, o buhay mula sa ibang planeta.

Ito ay magiging isa sa pinakamalawak at pinakamasusing gawain na tatangkain na tutuon pagsagap ng mga senyales ng radio signal na maaring pinadala ng sinumang nilalang mula sa kalawakan.

Gayun pa man, nagbabala naman ang isang siyentista sa Australia na pag-isipan munang mabuti bago tumugon sa nasabing mga signal mula sa outer space sa pagpuntong habang ang pakikinig sa mga alien message ay maaaring makatulong sa atin na mapagalaran ang ating puwang sa kalawakan, ang pagtatangkang makipagkomunikasyon sa mga ET ay maaaring maging salungat sa interes ng sangkatauhan.

Pinaninidigan ni Matthew Bailes ng Swinburne University sa melbourne, na siya ring nangunguna sa inisyatibong maghanap ng buhay sa ibang mga planeta, na ang pagsasagawa ng komunikasyon sa alin mang alien race na may kakayahang magpadala ng mga signal mula sa malalayong lugar ay may potensyal na maging dahilan nang pagkagunaw ng mundo.

“Ang kasaysayan ng ugnayan ng mga mahihinang sibilisasyon sa mas advanced at maunlad na sibilisasyon ay hindi masayang bagay,” ani Bailes.

Ang kanyang sentimyento ay sumusupota sa pahayag ng mga researcher at ibang siyentista na lumagda sa isang petisyong nagigay babala na ang mga intelihenteng ET ay maaaring maging hostile at hindi mapayapa gaya nang inaasahan ng ilan.

Kinalap Ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …