Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam at Jen, ramdam ang chemistry sa PreNup

100115  jennylyn mercado sam milby
BONGGA talaga ang career ni Jennylyn Mercado dahil  hindi lang si Jericho Rosales ang makakasama niya sa pelikula, naunahan siya ni Sam Milby. Ramdam namin ang kilig nang mapanood namin ang full trailer ng The Prenup. May chemistry sila ni Sam at maganda ang rehistro nila sa screen. Sayang nga lang dahil walang balita na na-develop ang dalawa samantalang magkasama sila sa New York. Hindi ba umepek ang Central Park NYC para magkaroon ng bagong romansa?

Sa mga napapanood kasing foreign flms, diyan nagkaka-inlove-an ang mga bida.

Anyway, ang tipo ng istorya sa The Prenup ang magugustuhan ng masa na may mga magulang na kontra sa mapakasalan ng anak lalo na kung matapobre ang mga ito. Uso rin ‘yang pre-nuptial agreement lalo na ‘pag mayaman ang mapapangasawa.

Ang The Prenup ay sa ilalim ng direksiyon ni Jun Lana. Kasama rin sa pelikula sina Melai Cantiveros, Jaclyn Jose, Freddie Webb, Dominic Ochoa, Gardo Verzosa, at Ella Cruz. Showing ito sa October 14

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …