ANG samahang Filipino Hairdresser Association (Fil-Hair) ay itinatag ni Mader Ricky Reyes mahigit tatlong dekada na ang nakararaan na ang layuni’y pag-isahin ang mga salon owner, haridressers, at cosmelotogists ng bansa.
Sa loob ng mahabang panaho’y nabuo ang pagkakaisa, pagsasamahan, at pagmamahalan ng mga miyembro. Nagawa rin ng pangulong si Mader na ang pairalin nila ang pagtutulungan at iwasan ang inggitan.
Ang iba pang officers ng Fil-Hair na kasama ni Mader sa kalakip na larawa’y sina Edwin Palma (vice president), Ruby Villarama (Secretary), Raquel Pangilagan (Auditor), Lyn Yalong (Treasurer) and members of the board—Ester Garcia, Atlas Leonen, Josie Gallardo, Felipe de Guzman, at Santiago Palomares.