Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bela, natulala sa sobrang galing ni Coco

093015 bela padilla coco martin
MALAKI ang pasasalamat ni Bela Padilla kay Direk Joel Lamangan, direktor ng Tomodachi at Felix Manalo dahl sa pagkakasali niya sa mga pelikulang ito.

“Nag-work na po ‘yung mga dasal ko. Sobrang thankful dahil ito na ‘yung hinihintay ko. Parang it just goes to show na talagang ‘pag siguro maganda ‘yung work ethics mo, kapag matiyaga ka at pinagbubuti mo ‘yung trabaho mo, darating at darating ‘yung deserve mo.

“Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga natatanggap ko this year. Kasi nga sunod-sunod at magaganda iyong mga project. Gusto ko na lang isipin na siguro ay may nagawa akong tama, kaya nakukuha ko lahat ito ngayon,” deklara niya.

Nagsimula na rin noong Lunes ang serye niyang Ang Probinsyano na isa siya sa leading ladies ni Coco Martin. Ayon sa aktres, natulala siya sa galing ng actor.

“Masarap siyang katrabaho, siguro dahil alam naman nating lahat na mahusay siya. So, ikaw bilang artista, macha-challenge ka rin. Kaya kailangan lagi kang ready. You should always be alert and aware sa karakter mo, sa eksena mo, para hindi ka napag-iiwanan,” sey pa niya.

“’Yung galing ni Coco ay hindi niya sinasarili. Tutulungan ka niya para ma-achieve mo rin, tutulungan ka niya para gumaling ka rin. Para siguro, makasabay o makapantay ka,” aniya.

Aminado siyang napi-pressure ‘pag kaeksena si Coco dahil gusto niya na okey ang performance niya.

Tsuk!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …