Alagad ni Taning tagasuporta ng LP?
Ariel Dim Borlongan
October 2, 2015
Opinion
NAKAPAGTATAKA ang Liberal Party (LP) kung bakit patuloy na naniniwala kay Caloocan City Rep. Edgar Erice na bukod sa balasubas, may uga-ling traydor pa sa mismong mga kapartido.
Marami nang katarantaduhang ginawa si Erice lalo sa mga lumad na inagawan niya ng lupa sa Agusan del Norte para makapagmina. Ang masama, binalasubas niya ang aabot sa P1 bil-yon pati ang kinontrata niyang si Rodney Basiana. Kasosyo ni Erice ang negosyanteng Chinese na si Eric Gutierrez sa kanyang mga kompanya sa pagmimina na may pagkakautang na P1 bilyon kay Basiana pero kung gaano sila kabalasubas, sobra naman silang galante sa kandidatura ni Liberal Party presidential candidate Mar Roxas na halos araw-araw nilang ipino-front page at laman ng mga tabloid.
Milyon-milyong piso na ang ginastos nina Erice at Gutierrez mula nang simulan ang kampanya laban kay Vice President Jejomar Binay at iba pang presidentiable tulad ni Sen. Grace Poe at milyon-milyong piso pa ang handa nilang gastusin maipanalo lamang si Roxas.
Pero bakit nanggagalaiti sina Erice at Gutierrez na maipanalo si Roxas sa tulong ng ipinagmamalaki nilang “blood money?” Tsismis nga ng isang reporter na nakabase sa Malakanyang, libre sakay sa helikopter ng financier nina Erice at Gutierrez mismong si Pangulong Aquino makapaglibot lamang sa kahit saan lupalop ng Pilipinas.
Kung gayon, layunin nilang maipanalo si Ro-xas para makaligtas sila sa pagkakasala kapag nanalo ang LP sa nalalapit na halalan? Akala ko ba, “walang palusot” sa Daang Matuwid?”
Ang nakapagtataka lamang, paano naaatim ni Roxas na gumamit ng “masamang pera” para sa kanyang kandidatura? Hindi mauubusan ng pera ang kanyang angkan kaya dapat siyang magdalawang-isip sa aktibidades nina Erice at Gutierrez lalo sa pagwasak sa kapaligiran ng pinagmiminahan nilang mga lalawigan sa bansa.
Kung natraydor ni Erice ang kapartido sa Caloocan sa pagsuporta sa kandidato ng ibang partido, paano nakatitiyak si Roxas na hindi siya nito sasaksakin sa likod? Gaano katotoo ang tsismis na garapalan ang illegal gambling sa Caloocan at iba pang bahagi ng Camanava area para sa campaign fund ng LP sa nalalapit na halalan?
Tsk. Tsk. Tsk. Dapat pakatandaan ng mga big shot sa LP na may karma ang lahat ng masamang gawain. Dapat din alalahanin nina Pinoy at Ro-xas ang nangyari kay dating Quezon governor Raffy Nantes na financier ng LP matapos ang halalan noong 2010.
Kailanman, hindi natutulog si Taning…