Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Electrician kritikal sa gumuhong scaffolding

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang electrician makaraang gumuho ang kinatatayuang scaffolding sa itinatayong hotel malapit sa isang malaking shopping mall sa lungsod ng Pasay kahapon.

Inoobserbahan sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Jennis Gantalao, 20, ng Goldentec Contructor Corporation, stay-in sa construction site ng Conrad Hotel sa MOA Complex, Pasay City.

Ayon sa pahayag ni Alfredo Malasan (half-brother ng biktima) sa pulisya, dakong 7:40 a.m. nang mangyari ang insidente sa ika-15 palapag ng nasabing hotel.

Aniya nakatayo ang scaffolding ng biktima nang bigla itong gumuho at bumagsak kasama ni Gantalao.

Napag-alaman, ilang construction worker na ang nadidisgrasya sa ginagawang hotel ngunit hindi ipinaaalam sa mga awtoridad.

Ayon sa pulisya, posibleng kasuhan ang kontraktor ng hotel kapag napatuyang hindi sumunod sa safety measure. 

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang naturang insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …