Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bistek, naghahanap din ng katabi at kakuwentuhan ‘pag nakahiga

051515 herbert bistek
NAKATSIKAHAN namin si Mayor Herbert Bautista sa birthday treat niya sa movie press na may kaarawan ng July hanggang September .

Tinanong siya sa announcement ni Kris Aquino na tuloy ang filmfest entry nila entitled Pamilyang Lab, Luv, Love.

“Kasi ano ‘yan nagso-shooting ng ‘Etiquette si Kris tapos nagkakasakit na siya. Noong una buo na ‘yung  pelikula pero wala pa ‘yung script, ‘yung cast pa lang. And then eventually, nagkakasakit, ayaw nang gawin ‘yung movie. And then na-pursuade siyang ituloy ang movie pero iba ‘yung cast kasi lapit na eleksiyon eh. And at this point.. on Wedsnesday i-announce na line up ng Liberal Party, ‘yung Vice President, ‘yung Senators and I belong to the same party, may isang term pa naman ako but my name is already listed also into possible senatorial candidates, mga 16 kasi ‘yung names eh 12 lang ang kukunin. Tapos biglang matutuloy ‘yung pelikula  and supposedly si Derek (Ramsay) yata pero it was not done deal between Star and Derek,” sey ni Mayor Bistek.

Pero Tuesday daw ay nag-meeting sila ng Star Cinemaproducer na si Malou Santos. Tuloy na raw ang movie at kasama na siya ulit.

Sabi nga ni Mayor, okey lang kung hindi siya kasama pero gusto ng produ na kasama siya dahil original cast siya. Posibleng magdagdag ng character pero hindi siya puwedeng mawala. Pero sa ngayon ay hindi pa niya nababasa ang script. Magre-resume ang shooting sa October 9 at nakapag-shoot na raw siya ng isang araw.

Nagpapasalamat siya sa Star Cinema dahil ikinu-consider pa rin siya sa naturang pelikula.

“Kahit maliit lang ang role, ang importante, may raket. Ha!ha!ha! Basta may pelikula,”  tumatawa niyang pahayag.

Ang naturang pelikula ay kasama rin sina Enrique Gil atLiza Soberano.

“’Yung kina Vice yata JaDine, tapos kina Vic naman AlDub. Ang lakas  ng ADub,” sambit ni Mayor sabay tawa kaya nakipagtawanan  din ang press.

Pero hindi raw siya nakakapanood ng AlDub dahil wala siyang time masyado na manood ng telebisyon. Mostly news ang napapanood niya.

Hindi rin niya alam kung kasama pa si Derek Ramsay sa movie nila pero okey lang daw sa kanya dahil malaking hatak din ‘yun sa movie.

Nagkabalikan ba sila ni Kris?

“Nagkabalikan? Hindi eh, Hindi nga, sinabi niya, ‘di ba? Sinabi niya, eh,” tugon ni Mayor.

May balak ba siyang magpakasal?

“Hinihintay ko lang na magpakasal si Bossing (Vic), tapos si PNoy naman,” sey pa niya.

Gusto rin niyang mag-asawa dahil sa pagtulog ay wala raw siyang nakakatabi at nakakakuwentuhan. ‘Pag nai-stress siya ay wala siyang karamay at nasasabihan ng problema

Ano ba talaga ang plano niya sa kanyang political career?

“Sa Wednesday malalaman. Sa 30 mag-a-announce na si PNoy kung sino ang Vice Presidential candidate ni Secretary Mar (Roxas) and ‘yung line up,” sey niya.

Nagpapasalamat siya kung mapapasama siya sa part ng mga list dahil magiging bagong chapter ng kanyang political career.

Pero marami ang humihimok sa kanya na tapusin ang isa pa niyang term bilang alkalde.

“Ako mismo, hanging, eh,” pakli niya.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …