Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Serohano dedbol kay utol (Dahil sa magarang tsekot)

PATAY ang isang doktor nang pagsasaksakin ng kanyang kapatid dahil sa pagtatalo nang hiramin ng misis ng suspek ang kotse ng biktima sa isang exclusive subdivision sa Muntinlupa City kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa South Super Highway Medical Center sa Parañaque City ang biktimang si Dr. Joser Rabe, residente sa 518 Anonas St., Ayala Alabang Village, Brgy. Ayala, Alabang, Muntinlupa City, tinamaan ng maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Habang nakadetine na sa Muntinlupa City police detention cell ang suspek na si Jose Rabe Jr., under board sa medicine course, nakatira rin sa naturang lugar.

Base sa report na natanggap ni Sr. Supt. Allan Nobleza, hepe ng Muntinlupa City Police, naganap ang insidente dakong  6 p.m. sa loob ng bahay ng pamilya Rabe sa nabanggit na lugar.

Bago ang insidente, nagkaroon nang mainitang pagtatalo ang magkapatid na Joser at Jose dahil sa paghiram ng misis ng suspek sa kotse ng biktima.

Hinid binanggit kung anong kotse ang pinag-awayan ng magkapatid ngunit naniniwala ang mga kaibigan at kapitbahay na isa itong magarang modelo ng sports utility vehicle (SUV).

Sa kainitan ng pagtatalo, kumuha ng patalim ang suspek at inundayan ng saksak ang biktima.

Isinugod ang biktima sa pagamutan ngunit hindi na umabot nang buhay.

Naaresto ang suspek sa follow-up operation ng mga awtoridad.

Napag-alaman, may matagal at malalim nang alitan ang magkapatid na nakatira sa iisang bahay lamang at lalong tumindi nang magtalo dahil sa sasakyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …