Sunday , December 22 2024

3 Nigerian, Pinay arestado sa shabu at damo

TATLONG Nigerian national at isang Filipina ang naaresto makaraang makompiskahan ng 200 grams ng shabu at isang kilo ng marijuana ng mga operatiba ng Quezon City Police District, District Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Group (QCPD, DAID-SOTG) sa buy-bust operation kahapon ng umaga sa nasabing lungsod.

Sa ulat kay Chief Supt. Edgardo G. Tinio, QCPD Director, ang mga nadakip ay sina Celestine Chukwudozie alyas Hugo, 33, Nigerian national, tubong Anumbra, Nigeria, at residente sa Onelia Jose St., Brgy. Pamplona, Las Piñas City; misis niyang si Frezel, tubong Lanao Del Norte; Johnson Ejiuwa, 27, Nigerian national, residente sa Circle Road, Zapote, Las Piñas City, at Henry Ukpabia, 32, Nigerian national, residente  sa Mojica St., Renaville, Pamplona, Las Piñas City.

Ayon kay Chief Insp. Federico E. Figueroa, hepe ng DAID-SOTG, dakong 5 a.m. kahapon nang maaresto ang apat sa harapan ng Shakey’s Restaurant sa Zapote Road, Brgy. Talon Dos, Las Piñas.

Dagdag ng opisyal, nadakip ang apat sa operasyong pinangunahan ni Insp. Manuel Laderas, makaraang bentahan ng mga suspek ang isa sa tauhan ng DAID na nagpanggap na buyer ng shabu sa halagang P200,000.

Nakuha rin sa mga dalang bag ng suspek ang isang kilo ng pinatuyong marijuana bukod sa P200,000 marked money.

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *