Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anak ni Gabby na si Gabrielle, tuwang-tuwang nakakanta sa Big Dome

092915 gabrielle garry concepcion
LUBOS akong nagpapasalamat kay Roldan Castro at sa CCA Entertainmentpara sa complimentary ticket  at naka-watch ako ng concert ng Michael Learns To Rock sa Araneta Coliseum noong Sabado ng gabi.

Nagsimula ang MLTR bilang rock band pero nang mag-hit ang kanilang mellow song na The Actor ay itinuloy-tuloy na nila ang paggawa ng ganitong klaseng musika hanggang sa kantahin nila ang Paint My Love, 25 Minutes at ilan pang hit songs.

Nanggaling sila sa bansang Denmark at bilib na bilib sila sa Pilipinas sa pagkakaroon natin ng Araneta Coliseum. Sa Denmark daw kasi, ang liit-liit daw ng kanilang bansa at wala silang malalaking coliseum, walang malalaking venue na pagtatanghalan.

Naku, paano na kaya kung sa Philippine Arena sila nag-concert? Baka malula sila sa laki nito.

In fairness, ang dami pa ring fans ng MLTR , mostly in their 40’s. Napuno nila ang Araneta at congratulations sa produ.

Front act sina Jireh Lim at Gabrielle Concepcion. Kinanta ni Jireh ang two hit songs niya, ang Buko at ang Magkabilang Mundo samantalang si Gabrielle naman ay inawit ang 2 cover songs. Si Gabrielle ay anak ni  Gabby Concepcion kay Grace Ibuna.

Sinabi ni Gabrielle na bata pa lang siya ay pinangarap na niyang kumanta sa Araneta Coliseum kaya naman ganoon na lang ang kanyang pasasalamat sa CCA dahil binigyan ito ng katuparan.

Maraming celebrities ang nanood sa concert ng MLTR at nakita naming si Cong.Dan Fernandez kasama ang isang foreinger. Hindi na ako nag-ikot para  alamin kung sino pa ang mga artistang nanood dahil parang naka-glue ako sa aking upuan dahil nga paborito ko ang Michael Learns to Rock.

Maganda pa rin ang boses ng kanilang bokalista at wala silang keber na bumaba sa audience, makipag-selfie,  kumamay, at magpahalik sa gigil na gigil na fans.

Congratulations !

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …