Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

VIP treatment sa Reyes bros imbestigahan – Palasyo (Utos sa DoJ, DILG)

PINAIIMBESTIGAHAN ng Malacañang ang ulat na nagtatamasa ng special treatment ang Reyes brothers sa Puerto Princesa jail.

“The DoJ (Department of Justice) and the DILG (Department of Interior and Local Government) are looking into this matter and will take the necessary action, including the possible filing of appropriate cases against those involved,” ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr.

Binigyang diin ni Coloma, ang Reyes brothers ay mga bilanggo kaya ang korte lamang ang puwedeng magbigay sa kanila ng permiso kung magdaraos ng press conference sa loob ng bilangguan.

Tiniyak na aniya ni Justice Secretary Leila de Lima na haharangin ang hirit na hospital arrest ng Reyes brothers.

“The Reyes brothers are detention prisoners; hence, only the court where the case is pending can issue the necessary permission. As to the request for hospital arrest, Secretary (Leila) de Lima has stated the government’s opposition to any such motion,” ani Coloma.

Bukod sa binigyan nang hiwalay na selda ang magkapatid na Reyes sa Puerto Princesa Jail, ay pinayagan pa silang magdaos ng news conference.

Nahaharap sa kasong pagpatay kay environmentalist Doc Gerry Ortega ang magkapatid na Joel at Mario Reyes.

Tatlong taon silang nagtago sa Phuket, Thailand at pagkaraan ay dinakip dahil sa kasong overstaying saka ipina-deport ng Thai authorities kamakailan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …