Monday , December 23 2024

Si Digong Duterte ba o ang pambansang pabebe wave ng AlDub?

duterteNGAYONG araw ay pupunuin daw ng isang milyong supporter ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang Quirino Grandstand. (Nagkataon na ito ay makakasabay ng ‘pambansang pabebe wave ng AlDub ng noontime show na Eat Bulaga).

‘Yan ay para manawagan umano kay Digong na ituloy niya ang kanyang pagtakbo bilang presidente.

Two weeks ago, pumutok din ang balita na magkakaroon daw ng 1-million march para kay Duterte.

Ang mga planong ito ay lumabas matapos magdeklara si Digong na hindi siya tatakbo sa panguluhan. Una dahil ayaw ng kanyang pamilya at ikalawa, naniniwala siyang sa kanyang edad ay hindi na kakayanin ng kanyang kalusugan ang napaka-strenuous na trabaho at tungkulin ng isang pangulo ng bansa.

Dahil kilalang may palabra de honor, malungkot man ay pinaniniwalaan at tinanggap ng kanyang mga tagasunod ang deklarasyon ni Duterte.

Pero mayroon palang ilang kulumpon ng mga tao, na gustong gamitin si Duterte, ang biglang nalungkot nang tanggapin ng kanyang mga tagahanga ang kanyang deklarasyon.

Kaya heto ngayon, nagpapambansang effort daw sila para isulong ang 1-million convincing power upang muling magdeklara si Duterte na lalaban siya sa panguluhan.

Kasama kaya sa 1-million convincing power na ito sina dating NFA Administrator Lito Banayo at ang katoto niyang si Raymond?!

At ang tanong, muli kayang mahikayat ng 1-million convincing po-wer na ito si Digong?!

Ang nakapagtataka lang, bakit ba masigasig itong grupo na gustong tumakbo si Duterte?!

Nakapangolekta na ba kayo?! ‘Este’ may nag-commit na ba sa inyo?

‘Yung may katawan na nga ang nagsasabi, hindi na kakayanin ng kanyang kalusugan ang ganyang klase ng tungkulin at responsibilidad, bakit pinipilit ninyong maitulak sa bangin ‘yung tao?!

Parang may naaamoy tayong malansa sa 1-million convincing power na ito…

Mukhang may nakapag-advance na yata…

Tsk tsk tsk…

O sige ito na lang, konting unsolicited advice lang para naman hindi kayo mapahiya…para mai-produce ninyo ‘yang 1-million convincing power na ‘yan, e maglagay kayo ng malaking screen sa Quirino Grandstand. Mga sampung malalaking screen at doon ninyo papanoorin ng “pambansang  pabebe wave ng AlDub” ang mga tao.

Tiyak na tiyak, makukuha ninyo ‘yang isang milyon na ‘yan.                                         

Mas nakahihiya naman kasi kung ilampaso ng “pambansang  pabebe wave ng AlDub” ang 1-million convincing power ninyo para kay Duterte…

‘E talagang uuwi na ‘yan at tutulong na lang para i-hunting ang mga kidnaper ng Pinay at ng tatlong dayuhan.

By the way, naulinigan natin na nagtataka raw si Duterte kung bakit biglang nagkaroon ng KFR (kidnap for ransom) sa lugar nila…

Coincidences lang kaya ‘yan na ang ilan sa mga taong kinokombinsi siyang tumakbo ay dating madikit din sa taong kilala at matunog sa KFR group?!

Tsk tsk tsk …

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *