Friday , November 15 2024

Pakistani national tiklo sa buy-bust

NADAKIP ng pinagsanib puwersa ng Parañaque City Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang Pakistani sa buy-bust operation kamakalawa ng gabi sa Paranaque City.

Kinilala ni Senior Supt. Ariel Andrade, hepe ng Paranaque City Police, ang naarestong suspect na si Muhammad Norman, 38, naninirahan sa no.  221 Aguirre Avenue, Phase II, BF Homes, Parañaque City. 

Base sa isinumiteng report nina PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., dakong 9 p.m. nang maaresto ang suspek sa Aguirre Avenue, B.F. Homes nang nasabing lungsod.

Isang ahEnte ng PDEA ang nagpanggap na poseur buyer sa suspek na bibili ng halagang P2,000 tabletas ng Mogadon na Nitrazepan, isang uri ng hypnotic drug.

At nang iabot ng suspek ang mga nasabing droga ay agad siyang dinakma ng naka-abang mga awtoridad.

Ang suspek ay nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2012.

About Jaja Garcia

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *