IBINUNYAG ni Senador Teofisto Guingona III, laganap na sa Mindanao ang pagpatay ng para- military forces sa mga katutubo.
Bukod sa Surigao del Sur, ibinulgar ni Guingona na nangyayari na rin ang pagpatay sa mga Lumad sa Davao del Norte, Cotabato, Bukidnon.
Nagbabala si Guingona, chairman ng Senate Committee on Peace Unification and Reconciliation na kung hindi pa ito aaksyonan ng gobyerno ay magiging pambansang trahedya kung mauubos ang Lumad.
Sa Oktubre 1 isasagawa ng komite ni Guingona ang pagdinig sa isyu sa bayan ng Tandag, Surigao del Sur upang alamin ang ugat ng gulo laban sa Lumad.
Kasama ni Guingona sa pagdinig sina Sen. Aquilino Pimentel III at Sen. Bam Aquino ng Justice and Human Rights.