ISANG key position sa creative team ng isang bagong weekly show ang iniatang sa balikat ng isang gay comedian. Kakambal ng kanyang posisyon ay ang pangangailangan niyang patunayang hindi siya malas.
Kuwento ng isang kaibigang nakatrabaho niya sa isang TV network, ”Ha, si (pangalan ng gay comedian) siya ba ang (posisyon nito) ng bagong show?! Naku, ha? ‘Yung pinanggalingan niyang show sa isang Estasyon na pagkatagal-tagal nang umeere, natsugi nAng isinama siya, ‘no!”
Sasalungatin namin ang opinyon ng aming source, hindi naman kasi umaarte kundi nag-iisip ng magaganda’t maiintrigang konsepto ang taong tinutukoy niya na itago na lang natin sa alyas na Felipe Lazatin.
(Ronnie Carrasco III)