PURSIGIDO si Ai Ai Delas Alas na magkita sina Jiro Manio at ang ama niyang Japanese.
“Hangga’t may buhay may pag-asa. Sabi ko nga gagawin ko ulit ang lahat ng makakaya ko para maging maayos at maayos ko itong problema ng dalawa.
“Bakit, bakit ko tina-tiyaga ito? Kasi ipinangako ko ito kay Jiro, na gagawin ko ang lahat, na tutulungan ko siya ng walang kapalit. Si Lord na ang bahala sa akin,” deklara ng Comedy Queen.
Hindi naman daw pinabayaan si Jiro ng kanyang ama noong bata pa ito.
“Kasi sinusuportahan niya si Jiro, hindi ngayon, pero ibig kong sabihin hindi niya binibitawan ang responsibility niya being a father, iyon ‘yun. Na sa ano naman ni Jiro, kumbaga victim nga ‘yung dalawa, eh. ‘Yung father and son, victim.
“Parang, ‘Ako hindi kita kinakalimutan’, ‘yung anak niya akala niya kinalimutan siya.”
Pero hindi raw nakararating kay Jiro ang mga ipinadadala ng ama nitong Hapon.
Masama ang loob ng kanyang ama sa mga nangyari.
“Nagagalit siya kasi parang bakit niya ginaganoon ang sarili niya. Bakit niya sine-self-destruct ng walang kadahilanan. Kasi hindi naman niya alam, ang alam niya as a father, ‘Ibinibigay ko ‘yung responsibility ko sa iyo, bakit ginagawa mo ‘yan sa buhay mo? Kasi ang Japanese ganoon, eh. Hindi nila puwedeng bitawan ang responsibility nila. ‘Di ba? Sa kanya parang, ‘Ano’ng ginagawa mo, bakit ginaganyan mo ang sarili mo?’”
Ang plano ng ama ni Jiro ay magpagaling muna dahil namamaga ang paa at bandang leeg.
Magiging happy naman siguro si Jiro dahil malalaman nito na hindi pala siya pinabayaan ng kanyang ama.
“Depende, kasi may kondisyon si Jiro so, hindi rin natin siya puwedeng biglain kung ano ‘yung sinasabi ng father. Kasi hindi rin naman niya alam na ganoon, eh.
“Or hindi ko lang din alam kung alam niya na ganoon ‘yung sitwasyon ng father.
“Hindi niya alam kasi ‘yung lola ang nasa middle, eh.”
Tutuparin ni Ai Ai ang pangako kay Jiro na dadalhin niya ito sa Japan.
“Gagawin ko ang lahat para maging masaya ‘yung pagkikita or maging maganda ‘yung closure ng mag-ama.”
Aayusin raw ni Ai Ai ang lahat.
Pak!
TALBOG – Roldan Castro