Friday , November 15 2024

P20-M alahas nasabat sa NAIA

UMAABOT sa P20 milyong halaga ng mga alahas ang nasabat ng airport authorities mula sa isang babae kamakalawa ng gabi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Dumating sa NAIA Terminal 3 bandang 9 p.m. ang suspek ngunit hindi idineklara ang dala niyang tatlong bagahe para sa kaukalang import duties and taxes.

Sa isinagawang inspeksiyon sa bagahe ng nasabing babae, nakuha sa kanyang posisyon ang 259 piraso ng mga lahas na nakabalot sa damit na inilagay sa kanyang hand-carried trolley bag.

Kabilang sa luxury items na nakuha sa babae ay necklaces, bracelets, earrings at ang iba ay may naka-inlaid na diamonds, pearls at iba pang precious stones.

Ang nasabat na contraband items ay mula sa Hong Kong.

Mariing itinanggi ng babae na kanya ang nasabat na mga alahas, aniya ipinadala lamang sa kanya ito ng isang Lydia Cheung na nakilala lamang niya sa airport.

Pinangakuan aniya siya ni Cheung na bibigyan ng cellphone sa sandaling maibigay ang mga alahas sa taong tatanggap nito.

Sa ngayon nananatili pa sa kustodiya ng Bureau of Customs ang naarestong suspek na kakasuhan ng smuggling.

About Hataw

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *