Sunday , December 22 2024

Multi-awarded journalist Aries Rufo pumanaw na

PUMANAW na ang multi-awarded journalist na si Aries Rufo sa atake sa puso nitong Sabado ng hapon, Setyembre 19, siya ay 45-anyos.

Naging journalist nang mahigit dalawang dekada, si Rufo ay senior investigative reporter ng Rappler. Una siyang naging reporter ng Manila Times noong 1990s, bago nagsilbi nang isang dekada sa Newsbreak at kinober ang simbahan, hudikatura, politika, kung saan nahasa ang kanyang investigative skills.

Siya ang author ng ground breaking book sa Simbahang Katoliko ang Altar of Secrets, inilathala noong Hunyo 2013.

Ang Rappler ay nagpalabas ng ‘excerpts’ mula sa aklat: “A bishop and multimillion peso donation” at “The fall of the rising star.”

Noong 2011, co-author si Rufo, kasama nina Rappler managing editor Glenda M. Gloria at Rappler Head of Research & Content Strategy Gemma Bagayaua-Mendoza, ng The Enemy Within, aklat hinggil sa korupsiyon sa Philippine military.

Sa nasabing aklat, tinalakay ni Rufo kung paanong si dismissed military comptroller retired Major General Carlos Garcia ay nanalo sa plea bargain deal sa Ombudsman.

Kabilang sa maraming parangal ni Rufo sa journalism ang prestihiyosong Lorenzo Natali Award noong 2008, para sa kanyang Newsbreak piece, “A cry for justice in the Philippines,” hinggil sa pagpaslang sa mga hukom sa bansa.

Noong 2004, si Rufo, kasama si Rappler news editor Miriam Grace Go, ay nanalo ng third place sa Asian Development Bank sa kanilang Developing Asia Journalism Awards na ginanap sa Tokyo.

Si Rufo ay tumanggap din ng Jaime V Ongpin Award noong 2004 para sa kanyang obrang, “Sins of the Father.”

Ang kanyang labi ay nakaburol na sa Funeraria Paz sa Araneta Avenue. (Rappler.com)

About Hataw

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *