Sunday , December 22 2024

Military hit list itinanggi ng PH army (Laban sa supporter ng Lumad)

 MARIING itinanggi ng pamunuan ng Philippine Army (PA) na may umiiral na military hit list laban sa human rights advocates na tumutulong sa Lumad communities sa Davao del Norte at Bukidnon.

Ayon kay Philippine Army (PA) spokesperson, Col. Benjamin Hao, ang alegasyon na mayroong hit list ang militar ay bunga lamang ng imahinasyon ng mga nag-aakusa laban sa kanila.

“The hit list allegation is a figment of the accusers’ imagination,” wika ni Hao.

Paglilinaw ng opisyal, walang katotohanan ang nasabing hit list at alam ng sambayanan na ang New Peoples Army (NPA) ang siyang gumagawa ng hit list.

Giit ni Hao, ang AFP ay protektor ng mga Filipino laban sa mga kalaban ng gobyerno

“The AFP is the protector of the Filipino people, whatever his or her social, political or economic leaning is,” pahayag ng Army spokesperson.

Una rito, nagpasaklolo ang ilang mambabatas at ilang human rights advocates sa Supreme Court at humiling ng Writ of Amparo makaraang mabatid na nasa hit list ng militar ang kanilang mga pangalan.

About Hataw

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *