Friday , November 15 2024

Ika-43 taon ng Batas Militar ginunita

NAKIKIISA ang Palasyo sa sambayanang Filipino sa paggunita ngayon sa ika-43 taon nang ipataw ang batas na maituturing na isa sa pinakamadalim na bahagi ng ating kasaysayan.

“Nakikiisa ang pamahalaan sa buong sambayanan sa pag-alala at pagpaparangal sa sakripisyo at pagpapakasakit ng mga biktima ng batas militar,” ani Coloma.

Aniya,buong tapang nilang hinarap ang panganib at pagpapahirap, at marami sa kanila ay inialay ang kanilang buhay upang igiit at ipaglaban ang mga karapatang pantao sa panahong giniba ng diktadurya ang kalayaan at demokrasya sa Filipinas.

Idinagdag pa niya na mula sa dugo, pawis at luha ng bawat ama, asawa, kapatid, kaanak at kaibigan na nakilahok sa mga pagkilos laban sa diktadurya, naipon at nabuo ang pagkakaisa ng mga mamamayan sa sunod-sunod na kilos protesta na humantong sa matagumpay na EDSA People Power revolution noong 1986.

Maituturing aniya na ang pagtutol at paglaban ng mga mamamayan sa batas militar ang nagsilbing pundasyon sa pagbabagong-tatag ng demokrasya sa Filipinas, na naging tanglaw at gabay sa iba pang mga bansang napailalim sa kahalintulad na diktadurya.

Ani Coloma, mahalagang ituro at ipaunawa sa mga kabataan ang mga aral mula sa panahon ng batas militar, at himukin silang tularan ang determinasyon at commitment ng mga buong giting na nagtagu-yod sa pagbabalik ng demokrasya, at pagyabungin ang matamis na bunga ng kasarinlan at katarungan upang maging wagas na pamana sa susunod pang salinlahi.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *