Sunday , December 22 2024

Beep card sa LRT 1 sinimulan na

INIHAYAG ng pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) na inumpisahan na kahapon ang paggamit ng Beep card sa lahat ng northbound stations ng Light Rail Transit (LRT) Line 1.

Sinabi ng tagapagsalita ng LRT Hernando Cabrera, ang paggamit ng Beep card ay bahagi pa rin ng bagong sistemang ipinatupad ng LRTA.

Unang inumpisahan ang paggamit ng Beep card sa southbound stations ng LRT line 1 at line 2.

Ayon sa tagapagsalita ng LRTA, ang paggamit ng Beep card ng mga pasahero ay malaking tulong dahil hindi na nila kinakailangan pumila pa nang mahaba sa tuwing sila ay sasakay ng tren.

Sa mga susunod na linggo, asahan ang paglulunsad ng ng Beep card sa Metro Rail Transit (MRT) Line 3.

Malaking ginhawa sa mga mananakay ng tren na nagkaroon ng beep card dahil hindi na sila mahihirapan pang pumila o magmadali para lamang mauna sa pilahan para magbayad at makakuha ng card para makasakay.

Ikinatuwa ng commuters ang magandang proyektong ginawa ng LRT dahil hindi na makikipagsiksikan pa ang mga pasahero para lamang kumuha ng card  sa pagsakay ng tren.

About Jaja Garcia

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *