Sunday , December 22 2024

2 Napoles’ kids kinasuhan ng P101-M tax case

0918 FRONTSINAMPAHAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng tax evasion sa Department of Justice (DoJ) ang mga anak ng binansagang pork barrel scam queen na si Janet Lim-Napoles kaugnay nang hindi pagbabayad ng buwis na aabot sa P101.7 milyon.

Ayon sa BIR, nilabag ng mga anak ni Napoles ang Section 254 at Section 255 ng National Internal Revenue Code (NIRC).

Partikular na kinasuhan si JCLN Global Properties Development Corporation (JCLN Corp.) president James Christopher Napoles, at treasurer na si Jo Christine Napoles, at iba pa nilang mga kasamahan sa kompanya.

Nabatid na resulta ito ng follow-up investigation ng BIR makaraan ang paghahain ng National Bureau of Investigation (NBI) ng pork barrel cases laban sa ilang mambabatas at maging sa mga miyembro ng pamilya Napoles.

Base sa mga dokumento ng ahensya, nakapag-aquire ang JCLN Corp. ng sari-saring ari-arian sa Pasig City, Quezon City, Manila, Taguig, Bulacan, Kidapawan at Cotabato na nagkakahalaga ng P16.5 milyon noong 2008; P36.07 milyon noong 2009; P44.19 milyon noong 2010 at P43.21 milyon noong 2011.

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *