Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagbubuko ni Joey — Alden, nade-develop na kay Maine!

091615 yaya dub joey
SA kolumn namin dito sa Hataw isinulat ang item tungkol sa gut feel ni Joey de Leon na, ”Pakiramdam ko, sina Alden (Richards) at Yaya Dub ang magkakatuluyan sa tunay na buhay.”

Sa nakaraang farewell episode ng Startalk—as though he could spill the beans in some other tsismis GMA show—ay ibinuko na ni Tito Joey ang extent ng kanyang nalalaman sa nangungunang loveteam sa bansa.

In an engaging banter with his fellow outgoing hosts, sinabi ni JDL na, ”Alam n’yo, tapos na ang ‘Eat Bulaga’ noong Saturday. Papunta na ‘ko rito sa ‘Startalk’ nang lapitan ako ni Alden sa parking lot (ng Broadway Centrum.”

Aminadong clueless si Tito Joey sa paglapit ni Alden hanggang, ”Niyakp niya ‘ko, sabay may ibinulong. Eto ang pagkakarinig ko sa ibinulong ni Alden, ha? ‘Tito Joey, iba na po yata ang nararamdaman ko para kay Maine (Mendoza a.k.a. Yaya Dub).’  Again, ‘yun ang intindi ko sa sinabi ni Alden sa akin.”

Sa mga sumusubaybay sa kalyeserye ng AlDub, ang latest ay nagtagpo silang muli pero kapwa may piring sila sa mata. Nang tanggalin ang blindfold, expect the kilig moments consume the viewers and studio audience again.

Sa firsthand account na ibinahagi ni Tito Joey, alam na natin ang mga susunod na mangyayari—this time around—sa tunay na buhay.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …