Friday , November 15 2024

Negosyante nagbaril sa sarili, patay (Nasangkot sa bribery)

ILOILO CITY – Patay na nang matagpuan ng kanyang pamilya ang negosyante at may-ari ng HuaLun Commercial sa Lungsod ng Iloilo, makaraang magbaril ng sarili kamakalawa.

Ang biktimang si Ricky Go ay natagpuan ng pamilya sa bakanteng lote sa gilid ng kanilang bahay sa Block 1, Lot 3, Ledesco Village, Cubay, Jaro, isinugod pa sa ospital ngunit idineklara ng patay na.

Nag-iwan ang biktima ng suicide note ngunit hindi inihayag ang dahilan ng kanyang pagpapakamatay.

Isinulat lamang niya ang kahilingan na maging confidential ang kanyang pagbaril sa sarili at ang pangalan ng mga tao na may utang sa kanya.

Habang tumanggi ang pamilya na magbigay ng pahayag kaugnay sa pangyayari.

Kung maaalala, noong nakaraang mga buwan lang nang inireklamo ang establisemento na pagmamay-ari ng biktima, dahil sa sinasabing bribery sa student council ng unibersidad para kunin sila bilang supplier ng T-shirt.

Ang isyu ay inimbestigahan ng unibersidad at nilinaw na walang nangyaring bribery kundi “enticement” lang o sinubukang maengganyo na magdesisyon pabor sa kanila.

About Hataw

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *