Sunday , December 22 2024

Issuance ng building permit, certificate of occupancy pabilisin — Trillanes

INIHAIN ni Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ang Senate Bill No. 2902, naglalayong mapabilis at mapadali ang proseso ng pagkuha ng mga building permit at certificate of occupancy, upang matugunan ang kasalukuyang komplikadong proseso ng pagkuha ng nasabing mga permit.

Sa kasulukuyan, ang National Building Code na nasa ilalim ng Republic Act 6541, ay nagbibigay ng mga balangkas ng sukatan at mga kakailanganin para sa lahat ng mga gusali at istruktura, kasama ang pagsiguro sa kanilang tamang lokasyon, disenyo, kalidad ng materyales, at rason sa pagtatayo.

Ayon dito, ang pagbibigay ng building permit ay kailangan bago itayo ang gusali at ang certificate of occupancy matapos itong itayo.

“Subalit ang proseso sa pagkuha ng mga nasabing requirement ay matagal nang nagiging problema at ang kasalukuyang batas ay ‘di ito kayang tugunan. Ito ang dahilan kung bakit marami ang napeperhuwiso sa pagkuha ng mga nasabing permit at nagiging ugat pa nang maraming klase ng korupsiyon, tulad ng nangyayari sa Makati, base sa mga lumabas na impormasyon sa kasalukuyang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Sub-committee ukol sa mga nauulat na anomalya sa lungsod,” ani Trillanes.

“Upang solusyunan ito, nilalayon ng SBN 2902 na amyendahan ang RA 6541 upang mas mapabilis ang pagkuha ng mga permit sa pamamagitan ng pagtatakda nang nararapat na bilang ng araw para makakuha nito, at ang pagsasaayos ng proseso ng pag-aapela, at pagpapataw ng parusa sa mga opisyal na lumalabag dito,” dagdag pa ni Trillanes.

About Hataw

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *