Friday , November 15 2024

15-M botante ‘di makaboboto (Unreliable — Comelec)

0916 FRONTNILINAW ni Commission on Elections (Comelec) spokesman James Jimenez, umaabot na lamang sa 3.1 milyon ang registered voters na walang biometrics data at hindi makaboboto sa darating na 2016 elections.

Pahayag ito ni Jimenez kasunod nang ipinalabas na resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey na 15 milyong mga botante ang nanganganib na hindi makaboto sa darating na eleksyon dahil hindi nakapagpa-biometrics sa Comelec.

Ayon pa sa SWS, ang naturang figure ay malaking porsiyento ng mga botante na mawawalan ng karapatan sa pagboto.

Ngunit giit ni Jimenez , walang basehan at hindi mapagkakatiwalaan o unreliable ang resulta ng SWS survey dahil batay lamang ito sa pagtatanong sa ilang mga botante na ang iba rito ay hindi alam kung ano ang status ng kanilang registration sa Comelec at ang iba ay nakalimutan kung nakapagpa-biometrics na sila o hindi.

Nilinaw ni Jimenez na batay sa data ng Comelec, umaabot sa 53 milyon ang registered voters ng bansa at 3.1 milyon na lamang sa kanila ang walang biometrics.

Umaasa ang Comelec na mapababa pa ang naturang bilang dahil hanggang sa Oktubre 31 pa ang deadline para sa pagpaparehistro sa biometrics.

About Hataw

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *