Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

KZ, nabigong gayahin si Vina

091515 Vina Morales Kz
NAG-UMPISA na noong Sabado ang Your Face Sounds Familiar Season 2 at hataw kaagad ang mga contestant.

Kuhang-kuha ni Myrtle Sarrosa ang ginayang niyang si Sandara Park of 2n1 sa Fire. Si Sam Concepcion ay walang takot na ginaya si  Eminem sa kanta nitong Slim Shady.

Si  KZ Tandingan naman na ginaya si Vina Morales ay halatang binago ang boses para lang  makuha ang distinct voice quality ng huli pero sa hitsura, failure si KZ. Paano ba naman kasi, parang ang tanda-tanda ng kanyang mukha, eh in real life ‘di naman matandang tingnan si Vina, very fresh at young looking pa rin.

Isa rin sa binabantayan ko ay si Kakai Bautista na hindi nagpakabog sa kanyang paggaya kay Sia sa kantang Chandelier. Siyempre hindi rin magpapahuli sina Denise Laurel, Kean Cipriano, Michael Pangilinan, at Erik Nicolas.

Dapat piliin nilang mabuti ang kanilang gagayahin, si Melai kasi ay lumaki nang husto ang points nang gayahin niya si Elizabeth Ramsey at sa final ay nag-Miley Cyrus naman siya na lalong ikinatuwa ng voting public.

Sina Sharon Cuneta, Jed Madela, at Gary Valenciano pa rin ang judges sa Your Face Sounds Familiar Season 2.

Kung ikukompara sa Season 1, para sa akin, mas exciting ang Season 2 dahil parehong magagaling na singer ang mga contestant plus the fact na idinagdag si Melai bilang co-host ni Billy Crawford.

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …