Friday , November 15 2024

Poe walang kabog vs set – Chiz (Walang itinatago at kinatatakutan)

 

0914 FRONT”TAPAT, tunay, at palaban.”

‘Yan ang markang inaabangan ng ating mga kababayan mula sa ating mga pinuno. At ‘yan ang ipinakita ni Sen. Grace Poe sa kanyang pagharap sa Senate Electoral Tribunal (SET) upang harapin ang mga legal na hamon sa kanyang pagiging Filipino.”

Ito ang mariing tinuran ni Sen. Francis Joseph “Chiz” Escudero matapos personal na dumalo sa hearing ng SET ang nakikinitang katambal nitong presidential frontrunner upang sagutin ang mga paratang na hindi nila naabot ang mga kinakailangang requirements ng “residency” at “citizenship” noong 2013 senatorial elections.

Dito ipinanalo ni Poe ang unang yugto sa mga hamong legal na inumpisahan ng talunang senatorial candidate na si Rizalito David.

Sa isang maiksing paglilitis, nagdesisyon ang SET noong nakaraang Biyernes na huwag nang talakayin ang usapin sa residency ni Poe at tinanggal ang pangunahing sagabal sa kanyang pagtakbo bilang susunod na pangulo. Ang natitirang bumabalakid sa isyung ito ay kuwestiyon kung si Poe ay isang “natural-born Filipino” na kinakailangang patunayan sa bawat tumatakbong kandidato sa pinakamataas na katungkulan sa bansa.

”Batid naman nating lahat na walang basehan ang mga ito at tanging pamomolitika ang nag-udyok,” ayon kay Escudero.

”Ngunit imbes magtago sa ‘default defense’ na ‘politika lang ‘yan,’ pinili ni Sen. Grace na personal na suungin ang paratang ng kanyang mga kalaban at ang mga alegasyon sa kanyang pagka-Filipino nang harap-harapan – dahil sa matibay na paniniwala na ang katotohanan, ang batas at ang ating mga kababayan ay nasa kanyang panig.”

”Pinapatunayan lang niya na ‘pag wala kang itinatago, wala kang dapat kinakatakutan,” dagdag ng Bicolanong senador.

Paulit-ulit nang ipinahayag ng mga abogado ni Poe na ang kaso sa SET ay isinampa lamang para idiskaril ang kanyang planong tumakbo sa mas mataas na posisyon sa gobyerno. Ngunit iginiit ni Poe sa mga mamamahayag noong Biyernes na dumalo sa SET “hindi dahil tatakbo ako; pumunta ako rito upang personal na ipagtanggol ang aking pagkatao.”

“Ginagawa natin ito dahil mali ang ginagawa nila,” diin ni Poe.

About Hataw

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *