Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden, walang reklamo nang dumugin ng fans

090415 alden richards
TALAGANG sikat na sikat na nga si Alden Richards.

Napanood namin ang isang video niya matapos mag-perform at talaga namang pinagkaguluhan siya.

Ewan kung paanong nasundan si Alden ng fans niya sa backstage. Talagang pinagkaguluhan siya, dinumog ng kanyang mga tagahanga. Napasandal nga siya sa pader at parang nasaktan siya sa video. Tila walang nagawa ang bodyguards na nakaalalay sa kanya dahil maraming fans ang nakalapit sa kanya.

Maririnig nga sa video na tinanong si Alden ng isang bodyguard kung nasaktan siya. Wala namang reklamo ang binata, ganoon siya kabait.

Say nga ng isang fan, ”kalma kalma nga fans, alam ko mahirap kumalma kpag nasa harap si bae, pero wag nman to the point na masaktan sya. #justsaying lahat nman ginagawa nya to please us. kalma spread the love.”

“Ay grabe nmn kc ang ibang fans, paunawa PO Tao din si bae Alden nasasaktan phisically,sana maging masaya na tau makita xa ng personal wag ng lamutakin,” sabi naman ng isang Alden supporter.

Hindi na talaga maabot si Alden. Kahit saan siya magpunta ay napupuno ang venue tulad na lang ng mall tour niya sa  Pampanga at  Imus, Cavite. Talagang wala na halos paglagyan ng tao sa rami ng nanood ng performance niya.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …