Sunday , December 22 2024

Abogadong chickboy pinatawan ng disbarment

0911 FRONTTINANGGALAN ng lisensiya o pinatawan ng disbarment na mag-practice ng abogasya ang isang abogado na inaakusahang nambabae o nakikiapid.

Sa ‘unanimous’ o nagkakaisang desisyon ng mga mahistrado ng Korte Suprema, inaprubahan nila ang rekomendasyon ng IBP Board of Governors laban kay Atty. Ian Raymond Pangalanan, napatunayang guilty sa gross immorality at paglabag sa Section 2, Article 15 ng 1987 Constitution, tumutukoy sa kahalagahan ng kasal.

Nag-ugat ang kaso sa inihaing reklamo ni Atty. Roy Ecraela noong 2007.

Reklamo ni Ecraela, mula 1990 hanggang 2004, papalit-palit o kung minsan ay pinagsasabay-sabay ni Pangalangan ang pakikipagrelasyon sa mga babae na ang ilan ay kasal o may-asawa na.

Kabilang sa mga nakarelasyon ng inireklamong abogado ay asawa mismo ni Ecraela.

Mismong si Pangalangan ay mayroon ding asawa.

Ito ay maituturing na ‘malpractice gross misconduct’ at ‘gross immorality’ na paglabag sa Lawyer’s Oath.

Dahil dito, iniutos ng Korte Suprema na alisin sa ‘Roll of Attorneys’ ang pangalan ni Pangalangan.

Ayon sa Korte Suprema, walang karapatang mapabilang sa mga abogado ng bansa si Pangalangan dahil sa immoralidad na ipinakita na hindi lang labag sa sinumpaan niyang propesyon kundi maging sa batas.

About Hataw

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *