Saturday , November 23 2024

Hokus-pokus sa 148 chinese nationals

mison 20 workersAWARE kaya si SOJ Leila De Lima na talk-of-the town sa Bureau of Immigration (BI) kung papaano minaniobra ng ilang tulisan ‘este’ taga BI-OCOM ang discashte ‘este’ diskarte sa pagkaka-deport ng 148 foreigners na nainvolved sa kaso ng on-line gaming diyan sa Resorts World Leisure and Casino?

In case you don’t know Madame Secretary, 2 liars ‘este’ lawyers na parehong konektado raw diyan sa nasabing call center ang nag-file ng magkaibang estilo ng pagpapakawala sa mga nahuling banyaga.

Ang isa sa kanila ay nag-file ng petition for bail habang ang isa naman ay nag-request ng vo-luntary deportation without blacklist.

Since mahirap i-justify ang petition for bail dahil sa kanilang illegal activity at violation ng Immigration rules, naturalmente na pinagpasa-pasahan ang nasabing petition sa kung kani-kanino riyan sa BI Legal Division which was obviously, ayaw i-resolved as per instruction daw sa OCOM!?

After mag-withdraw ng kanilang petition for bail ang nag-file na lawyer, dito na inaksiyonan sa BI Board of Special Inquiry (BSI) ang nasa-bing request for voluntary deportation but without putting them in the blacklist.

And hold your breath…In a matter of 24 hours, lumabas ang nasabing APPROVAL sa BI-BSI?!

Approved without further thinking?

Tama ba, Atty. Vince Hungkag ‘este’ Uncad?

Daig pala ng iyong opisina ang isang octa-core computer kung mag-isip!?

Hanep sa bilis ng reso!

Isipin mo Madam SOJ, within 24 hours APPROVED ang nasabing Voluntary Deportation Without Blacklist!?

What the fact sheet!?

At bakit without blacklist?

Hindi ba’t involved sa illegal activities ang mga ‘yan?

So if a foreigner committed a violation of immigration law, he/she must always be placed in the blacklist!

Magkano ‘este’ paano nangyari ‘yun, Atty. Roy ‘inang’ Ledesma?

Mukhang na-over power nina Comm. Fred  ‘pabebe boy’ Mison ang mga nakasulat sa libro mo?

Bakit hindi mo pabigyan ng straight jacket ang mga ‘yan?!

Kung titingnan ninyo ang history at record ng mga pending cases diyan sa BSI, ang ibang mga cases doon ay inaamag muna ng 3 to 6 months bago maresolba pero ano ang meron o misteryo sa kaso ng 148 foreigners at gigil na gigil si Comm. Fred “dondon” Mison na sila ay i-deport?

Your guess is as good as mine, guys?     

Sabagay very tempting nga naman ang umugong na tsismis na areglohan umano sa nabanggit na kaso.

May mga makakating dila pa riyan sa BI main office ang nagsabi na hindi bababa sa P100k daw kada ulo ang naging usapan dito between a certain Atty. Ty at isang representa-thieve (ay wrong spelling!) representative from OCOM?

So kung ganoon, tumataginting na P14.8M ang pitsa na pinaghatian ng ilang opisyales di-yan sa BI-OCOM?

Para palang tumama sa grand lotto ang ilang kapal-muks diyan?!

Tama kaya ang nasabing info, Atty. Norman Tansinco?!

Sonabagan!

Ano ngayon ang masasabi ninyo sa pangyayaring ‘yan, Madame SOJ De Lima?

Baka naman type mong bigyan ng atensiyon ang nasabing hokus-pokus at hindi puro INC ang inaatupag mo?!

May kumakalat kasing balita na ang isang parte raw sa nasabing halaga ay “for delivery” para sa kandidatura ng isang mataas na opisyal sa 2016?!

Hindi kaya para sa inyo ‘yun, Madam Secretary?

 Nagtatanong lang po tayo…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *