Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

KKK ni PNoy papalit kay Mar sa DILG

ISA na namang mula sa KKK (kaibigan, kaklase at kabarilan) ni Pangulong Benigno Aquino III ang nakasungkit ng cabinet position sa kanyang administrasyon.

Inihayag kahapon ni Pangulong Aquino na si Western Samar Rep. Mel Senen Sarmiento ang papalit kay Mar Roxas bilang Interior Secretary.

Si Sarmiento ang secretary general ng Liberal party (LP), malapit na kaibigan ni Pangulong Aquino, at nasa huling termino ng pagiging kongresista.

“Yes, si Mel Sarmiento. I offered the post to him… This is subject to the confirmation of the CA (Commission on Appointments),” ayon sa Pangulo sa Phil. Daily Inquirer forum kahapon.

Nagbitiw si Roxas nitong Agosto 3 para paghandaan ang kanyang pagsabak sa 2016 presidential elections bilang standard bearer ng Liberal Party (LP).

Si Sarmiento, gayondin sina Executive Secretary Paquito Ochona, Budget Secretary Butch Abad, BIR Commissioner Kim Henares, Cabinet Secretary Rene Almendras, DSWD Secretary Dinky Soliman, Finance Secretary Cesar Purisima ay ilan sa sinasabing taga-KKK.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …