Wednesday , April 16 2025

Driver hinoldap ng 2 pasahero, taxi tinangay

“PASALAMAT na lamang ako, hindi ako binaril ng mga walanghiya.”

Ito ang nanginginig na pahayag  ng isang driver makaraan holdapin at tangayin ang minamanehong taxi ng dalawang pasaherong holdaper kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Kinilala ang biktimang si Renato Torion, 39, residente ng 258 Dulong Hernandez St., Brgy. Catmon  Malabon City, driver ng EMP taxi (UVD-578).

Batay sa ulat ni SPO2 Joselito Barredo, dakong 3:20 a.m. nang parahin ang biktima ng dalawang suspek sa Pedro Gil, Maynila at nagpapahatid sa Caloocan City.

Pagsapit sa Sampalukan St., Brgy. 24 ng lungsod, biglang naglabas ng baril ang katabi ng driver sa front seat at nagdeklara ng holdap.

Bunsod ng pangamba, hindi na pumalag ang biktima nang sapilitang kunin ng mga suspek ang kinita niyang P3,900, at isang bagong cellphone.

Pagkaraan ay binuksan ng mga suspek ang pintuan ng taxi at pilit siyang pinatatalon ngunit dahil mabilis ang takbo ay hindi niya nagawa kaya tinadyakan siya palabas.

Kahit paika-ika ay nagtungo ang biktima sa himpilan ng pulisya upang i-report ang insidente.

About Rommel Sales

Check Also

MRT-7 post West Avenue

Sa Quezon City
Poste ng gingawang MRT-7 bumigay

BUMIGAY ang isa sa mga poste ng ginagawang MRT-7 sa bahagi ng West Avenue, sa …

Parañaque Police PNP

2-anyos nene ini-hostage kelot timbog sa Parañaque

ARESTADO ang isang lalaki na nang-hostage sa isang 2-anyos batang babae sa loob ng isang …

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Bea Alonzo Tom Rodriguez

Bea nagpaiyak sa Magpakailanman 

RATED Rni Rommel Gonzales BIGATIN ang cast ng pre-Holy Week presentation ng Magpakailanman sa pangunguna ni Bea Alonzo. …

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *