Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jasmine, nililigawan ng anak ni Sen. Grace Poe (Sam at Myrtle, etsapuwera na!)

090415 jasmine curtis Brian Poe Llamanzares
MAY pasabog sa finale ng presscon ng My Fair  Lady, ang hit Korean-Rom-Com Series na may Pinoy Twist ng TV5.

Lantaran na  ang pagkakagusto  ng anak ni Senator Grace Poe na si Brian Poe Llamanzares sa bida ng serye na siJasmine Curtis-Smith.

Pareho silang Atenista pero hindi sila nag-meet doon.

Noon pa raw ay crush na ni Brian si Jasmine. Humanga nga siya nang makita niya ang isang billboard ng actress sa EDSA.

So, out na talaga ang ex-boyfriend ni Jasmine na si Sam Concepcion. Ganoon din ang ex ni Brian na si Myrtle Sarrosa.

Kasama sina Vin Abrenica at Luis Alandy sa My Fair Lady. Nasa cast din sina Eddie Gutierrez, Marjorie Barretto,  Joross Gamboa, Jenny Miller. Magsisimula sa September 14 ang My Fair Lady sa TV5.

Star Magic, maluwag na sa pagpapadala ng artista sa Cotabato

MALUWAG na ba ngayon ang Star Magic sa pagpapadala ng artista tulad ng sa Cotabato?

Rati ay lagi nilang sinasabi na hindi nila pinapayagan umano na mag-show sa Cotabato ang mga artista?

Pero ngayon ay madalas mag-show doon sina Aaron Villaflor at ngayon naman si Julia Montes ang pupunta sa Tupi, South Cotabato.

Kung sabagay, ilang beses na rin kami nagpupunta ng Cotabato at safe naman kaming nakauuwi.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …