Isyung ginamit ng ‘Gapo mayor para manalo ibinasura ng Ombudsman
Ariel Dim Borlongan
September 4, 2015
Opinion
PARANG sampal sa magkabilang pisngi ang ina-bot nina Olongapo City Mayor Rolen Paulino at City Administrator Mamerto Malabute matapos ibasura kamakailan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang isyung gamit na gamit nila sa halalan noong 2013 para sirain ang reputasyon ng da-ting alkalde ng lungsod na si James “Bong” Gordon Jr., ukol sa pagbebenta at pagsasapribado ng Public Utilities Department o PUD.
Naabsuwelto rin ang dating opisyales na sina City Budget head Marey Beth Marzan, City Assessor Oscar Agustin at City Legal Officer Bernardine Gantan kaya inilarawan ni Gordon ang desisyon ng Ombudsman na isang “katarungan” para sa kanyang administrasyon.
Para kay Gordon, malinaw na isang matibay na patunay wala siyang ginawang maling hakbang sa pagsasapribado ng PUD hindi tulad ng ipinangalandakan sa paninira ng kampo ni Paulino.
Sinabi pa ni Gordon para sa ikabubuti ng mga taga-Olongapo ang kanyang hakbang at sa ikauunlad ng lungsod kaya napatunayang paninirang lamang ang kasong isinampa ni Malabute na kaagad sinabing nagkasala siya sa paglabag sa Section 3 (a) at (e) ng Republic Act No. 3019 hinggil sa pagbebenta ng PUD.
Taong 2013 nang gamitin ni Paulino ang pagsasapribado ng nasabing ahensiya at ang ma-dalas na brownouts sa lungsod upang sirain ang reputasyon ni Gordon.
Sinabi ni Malabute na ang pagpapaganda at pagsasaayos lamang ng PUD ang naaprubahan ng City Council at hindi kasama ang pagbebenta ng lote pero nakita ng Ombudsman na kasama ito sa Asset Purchase Agreement (APA) bilang PUD Sub Stations kung saan nakapuwesto at naka- install ang PUD towers, transformers, switchboards at installation facilities.
Matatagpuan ang 300 metro kuwadradong lote na may Deed of Absolute Sale sa Brgy. Old Cabalan at hindi sa Brgy. Kalaklan na inookupahan ng PUD kaya na-patunayang nagkaroon lamang ng typographical error pagdating sa lokasyon.
Sinabi rin ni Morales na malinaw na hindi nakakapinsala bagkus malaking tulong sa City Government ang pagbebenta ng kontrata ng PUD sa Olongapo Electric Distribution Company (OEDC) dahil nagkakahalaga lamang ang contract price nito ng P610, 500,000.00 ngunit P623, 614, 403.84 ang natanggap ng siyudad dahil sa interes na naipon sa Development Bank of the Philippines Makati Branch na napakinabangan din ng siyudad.
Sa puntong ito sinabi ni Gordon na dapat tigilan na ni Paulino ang pagpapakalat ng kasinu-ngalingan at magsimulang kilalanin ang mga benepisyong hatid ng PUD privatization.
Dagdag ni Gorgon: “Tutal, nagtagumpay na si Paulino sa paggamit ng isyung ito upang manalo sa nakaraang eleksiyon dahil sa kanyang mga alegasyon kaya dapat na harapin niya ang katotohanan at tapusin na ang pagliligaw sa isipan ng publiko ukol sa nasabing usapin.”
He he he… siguro naman hindi na magagamit sa halalan sa 2016 ang “panggogogoyo” nina Paulino at Malabute sa mga taga-Gapo. Napatunayan sa korte na malinis ang layunin ni Gordon at ng kanyang administrasyon sa pribatisas-yon ng PUD kaya alam na natin ang mangyayari sa nalalapit na eleksiyon. Maging leksiyon sana ito sa mga taga-Gapo para hindi na sila maloko sa mga hindi makatwirang isyu. Ni hindi nga maipaliwanag nina Paulino at Malabute kung bakit may nahuhuling shabu sa City Hall e. Adaw!