Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Muffet, mas gustong i-share ang talent kaysa magpa-impress

090215 Mariefel Tan Muffet
BATA pa lang, mahilig na sa pagkanta si Mariefel Tan o mas kilala ngayon bilang Muffet. Isa na siya ngayong ganap na recording artist.

Nagsimula siyang kumanta sa Iligan noong 2000 na may banda siya. Hindi siya sumali sa mga singing contest sa TV pero nadiskubre siya ng kanyang album producer bilang hotel singer.

“Takot ako sa failure,” sambit niya kaya ayaw niyang sumali sa The Voice.

“Ang gusto ko lang naman ay i-share ang aking talent,” dagdag pa niya.

Taong 2009 nang magsimula ang kanyang pagiging lounge singer sa mga five star hotel gaya ng Dusit Thani Hotel, Makati Shangri-La Hotel. Dito siya nadiskubre  niSheldon Geringer na siyang tumatayong executive producer ng kanyang debut album na M.U.S.I.C. (Magandang Umaga, Sun Is Coming). Ito rin ang kanyang carrier single at kasalukuyang napapanood ang music video nito sa MYX Music Channel. Composer din ni Muffet si Vehnee Saturno na ang Saturno Music Studio ang namahala ng kanyang album.

Mapakikinggang din dito ang mga awiting Meteor, Akin Lamang, Make You Mine, Race Car, Lahat Ay Ikaw, Bad Tonight, Where Is Our Happiness, at Huwag Kang Lalayo.

“Ako raw ang singer na nababasa nila kung ano ang nararamdaman ng aking puso. I would rather express than impress with my music,” deklara pa ni Muffet.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …