Sunday , December 22 2024

Protesta ng Iglesia umatras na

PAGKATAPOS nang halos tatlong araw na protesta sa ilang bahagi ng EDSA, umatras na ang Iglesia Ni Cristo at pinauwi ang kanilang mga miyembro kahapon ng umaga.

Sa isang pahayag, inianunsiyo ni INC General Evangelist Bienvenido Santiago na nakapag-usap na ang kanilang panig at ng pamahalaan at naipaliwanag nang mabuti ang posisyon ng gobyerno.

Tinanggap ito ng INC kaya’t pinatigil na ang mga protestang nagdulot ng matinding trapik at perhuwisyo sa mga mamamayan sa Metro Manila.

Dahil dito, umani ng maraming negatibong reaksiyon ang naging pagkilos ng Iglesia mula sa mga mamamayang natrapik at naabala. 

Dumating ang anunsiyo pagkatapos mabunyag na pinulong ni Pangulong Noynoy Aquino ang kanyang Gabinete at ang mga opisyal ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines upang pag-usapan kung paano ang hakbang ng pamahalaan sakaling magpatuloy hanggang ngayong araw ang mga protesta. 

Kinompirma ni DILG Secretary Mar Roxas na may mga pag-uusap na naganap sa pagitan ng pamahalaan at INC.

“Noong mga nakaraang araw ay tahimik na nakipag-ugnayan ang pamahalaan sa mga lider ng INC. Naging pagkakataon ito upang magkaroon ng paglilinaw tungkol sa mga isyu,” sabi ni Roxas sa isang pahayag na inilabas sa media.

Nagpasalamat si Roxas sa mga kawani ng PNP, MMDA at lokal na pamahalaan na sinubukang panatilihin ang kaayusan sa kabila ng ulan at dami ng tao.

Ipinaliwanag ni Roxas ang maingat na paghawak ng administrasyong Aquino sa naging sitwasyon, sa kabila ng mga panawagan ng ibang netizen para sa isang sapilitang dispersal sa mga nagpoprotesta.

Sabi niya: “There were many who wanted to exploit the protest for their personal ends, mahalagang naging mahinahon ang lahat para maiwasang may masaktan kung magkaroon ng kaguluhan.” 

Hindi binanggit ni Roxas kung sino ang mga grupong ito ngunit hayag sa publiko na marami sa mga kalaban sa politika ng administrasyong Aquino ang umakyat sa entablado ng INC upang udyukan ang mga nagprotesta, tulad nila dating Tarlac Governor Tingting Cojuangco, kasama ang asawa nitong si Peping Cojuangco, Boy Saycon, at natalong senatoriable na si Greco Belgica.

Si Saycon ay miyembro ng maliit na grupong TANDEM na matagal nang nagtutulak na pabagsakin ang pamahalaan.

Nagpasalamat naman ang Malacañang dahil walang naiulat na nasaktan sa mga protesta.

Secret deal sa INC itinanggi ng Palasyo

WALANG ‘secret deal’ na nabuo sa pagitan ng Palasyo at Iglesia ni Cristo (INC) kaya tinapos ng religious group ang tatlong araw na kilos protesta sa iba’t ibang panig ng bansa.

“There was no deal struck, as some insinuate. The talks gave both sides an opportunity to clarify issues and concerns,” ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.

Ang tatlong araw na rally ng INC ay bilang panawagan kay Pangulong Benigno Aquino III na sibakin si Justice Secretary Leila de Lima bunsod nang sinasabing pakikialam ng kalihim sa internal affairs ng INC.

Sa DoJ nagsampa ng reklamong illegal detention ang itiniwalag na ministro ng INC na si Isaias Samson laban sa matataas na lider ng religious group.

Kaugnay nito, binigyang-diin ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi pahihintulutan ng pamahalaan ang  pagpapainit pa ng sitwasyon sa pagsulsol ng ilang personalidad na may “selfish agenda.”

INC position nananatili vs DOJ

NILINAW ng pamunuan ng Iglesia ni Cristo (INC) na tuloy ang kanilang protesta laban kay Justice Sec. Leila de Lima kahit tinapos na nila ang limang araw na rally sa harap ng DoJ at EDSA.

Ayon kay INC general evangelist Bienvenido Santiago, minabuti lang nilang ihinto ang pag-okupa sa lansangan upang huwag maging abala sa ibang mamamayan ngunit walang pagbabago sa kanilang posisyon.

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *