Sunday , December 22 2024

“Ako ay Pilipino” Movement inilunsad

INILUNSAD kahapon ang Pambansang Araw ng mga Bayani ng sektor ng mga kabataan, sa pangunguna ng Partido ng mga Mag-aaral na Nagkakaisa, ang AKO AY PILIPINO MOVEMENT na magsisilbing tinig ng saloobin ng sambayanang Filipino sa gitna ng mahahalagang usapin at suliranin na kinakaharap sa kasalukuyan ng ating bansa.

Layunin ng kilusan na ipahayag ang damdamin ng sektor ng kabataan sa umiiral na sistema ng pamumuno sa ating pamahalaan na anila’y nawawala na ang dignidad, dedikasyon, delikadesa, pagkamaka-Diyos, disiplina at demokratiko ng mga nakaupo sa kapangyarihan.

“Dapat maging huwaran ng mga kabataan ang mga pinuno ng ating bayan ngunit sa nakikita namin sa mga nangyayari ngayon ay wala kaming makitang inspirasyon mula sa kanila. Bakit ganito ang nangyayari? Kaya naririto kami ngayon upang ipamulat sa kanilang isipan na nagmamatyag ang mga kabataan,” ayon kay Mark Vivas, tagapagsalita ng PAMANA at Ako ay Pilipino Movement.

Para sa mga kabataan, kinakailangan nang wakasan ang maka-personalidad na politikang umiiral sa kasalukuyan na batay lamang sa iniaalok ng mga naghaharing partido politikal sa bansa.

“Nasaan na ang dignidad at dedikasyon sa ating mga lingkod bayan? Kinain na ng korupsiyon at katiwalian. May mga nasasangkot sa korupsiyon na walang delikadesa at kumakapit pa rin sa kapangyarihan. Wala na rin ang disiplina, tingnan ninyo ang Kongreso na laging usapin ang mga absentee solons. Parang wala na silang takot sa sambayanang Filipino na siyang nagluklok sa kanila sa puwesto. At wala na rin yata silang takot sa Diyos dahil pati ang pondo ng bayan na para sa taumbayan ay kanilang pinakikialaman. Ipinagmamalaki natin na isang demokratikong bansa ang Filipinas ngunit inaabuso ito ng mga tiwaling opisyal ng gobyerno.”

Samantala, panauhing pandangal sa pagtitipon si Ginoong Fernando “Ding” Diaz, isang entrepreneur, na nakiisa sa sektor ng mga kabataan sa kanilang panawagan ng tunay at makabuluhang pagbabago sa ating pamahalaan.

“Hangad ko ang inyong magandang kinabukasan. Katulad ng pangarap ng mga kabataan, at ng lahat ng sambayanang Filipino, pangarap ko rin ang magandang kinabukasan ng ating bansa. Sa pagkakaisa ng mga kabataan ay nakikita kong may pag-asa pa rin na magkaroon ng pagbabago sa pamamagitan ng pagbabalik o pagbuhay sa mga katangiang dapat na taglayin ng mga pinuno natin. May dignidad ang pagkatao, may dedikasyon sa kanilang tungkulin, may delikadesa, disiplinado sa trabaho, demokratiko, at may takot at pananampalataya sa Diyos, iyan ang dapat na maging pamantayan natin sa mga nakaupo sa pamahalaan,” ayon kay Diaz.

Kasabay din ng paglulunsad ng PAMANA ng Ako ay Pilipino Movement ay inilunsad ng sektor ng mga kabataan ang isang libreng mobile apps na magsisilbing social media component ng kanilang pagkilos upang magkaroon ng interaksiyon ang mga kabataan sa mga usapin at suliraning kinakaharap ng bansa at maipaabot na rin sa ating pamahalaan ang kanilang mga saloobin. 

About Jaja Garcia

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *