Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

OA si Leni Robredo

EDITORIAL logoHalatang naghahanap ng media mileage si Rep. Leni Robredo.  Mapansin lang ng media, sari-saring gimik ang ginagawa niya. Nandiyan ang sumakay sa bangka, mag-abang ng bus at ‘yung pinakahuling gimik niya, ang hindi pagdaan sa red carpet sa Kamara noong nakaraang State of the Nation Address o Sona ni Pangulong Aquino.

OA as in overacting na itong  si Leni.  Dahil walang maisip na matinong paraan para mapansin ng media, kamakailan lang ay inaway niya si Senador Grace Poe.  Kahit walang masamang intensiyon ang senadora nang sabihin niya sa kanyang talumpati na tulad niya ay kinasuhan din si dating DILG Sec. Jessie Robredo dahil sa isyu ng citizenship.  At todo react naman kaagad itong si Leni.

Mabilis pa sa kidalat, nagpa-interview agad  at sinabing ‘wag daw itulad ni Poe ang kaso ng kanyang namayapang mister.  Hindi raw maaaring ihambing ang dalawang kaso, dahil hindi raw gaya ni Poe, si Robredo, minsan ay hindi itinakwil ang kanyang pagiging Filipino.

Ibang klase talaga si Leni, kahit hindi naman sinasabi ang detalye ng isyung kinakaharap noon ng kanyang asawa, rumepeke agad ng kung ano-anong detalye. Nakatatawa dahil lumalabas na talagang gusto niyang mapansin siya ng media dahil gusto rin niyang tumakbo bilang running mate ni DILG Sec. Mar Roxas.

Kaya nga kabaliktaran ang mga sinasabing mahiyain at camera-shy si Leni habang nag-uumapaw naman sa social media at maging sa mga tabloid ang mga “pa-cute” na kuha niya na halata namang kampo rin niya ang kumuha.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Ang sabsaban at ang masa:  
Pagharap sa korupsiyon ngayong Pasko

PADAYONni Teddy Brul TUWING Pasko, paulit-ulit nating ginugunita ang kapanganakan ni Hesus sa isang sabsaban—isang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …