Monday , December 23 2024

Charo Santos-Concio, Gala Chair sa International Emmy Awards

083115 Charo Santos Concio
SI ABS-CBN president, chief executive officer, at chief content officer Charo Santos-Concio ang magiging Gala Chair ng ika-43 International Emmy® Awards na gaganapin sa Nobyembre 23, 2015 sa New York City.

Ito ang inanunsiyo ng prestihiyosong International Academy of Television Arts & Sciences.

Pamumunuan ni Santos-Concio ang Gala, na kikilalanin ng International Academy ang programming sa 10 program categories at gagawaran ng Special Awards sina Julian Fellowes, ang creator at writer ng Downton Abbey (Founders Award) at Richard Plepler, ang Chairman at CEO ng HBO (Directorate Award). Ang awards ceremony ay pangungunahan ng Egyptian satirist na si Bassem Youssef, ang dating host ng popular na TV show na Al-Bernameg (The Program) bilang host.

“Si Charo Santos-Concio ay isang respetadong producer at executive na pinamunuan ang paglaki ng kanyang organisasyon upang makilala at manguna ito sa Pilipinas at sa rehiyon,” sabi ni Bruce L. Paisner, ang President at CEO ng International Academy of Television Arts & Sciences. ”Nagagalak kaming siya ang magiging Chair ng 2015 International Emmy Awards Gala.”

Pahayag ni Santos-Concio, ”Nagbabago na ang paraan ng panonood ng mga tao sa lahat ng panig ng mundo, ngunit sa kabila nito ay hindi nagbabago ang sigasig ng creators na gumawa ng mga mahusay at makabuluhang palabas sa iba’t ibang platforms na tumatatak sa mga tao. Ito ang ipinagdiriwang ng International Emmy Awards kada taon. Ikinararangal kong pangunahan bilang chair ang Gala na pagtatagpuin ang mga pambihirang indibidwal na ito mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo at kilalanin ang kanilang galing at tagumpay.”

Itinalaga bilang President ng ABS-CBN si Maria Rosario “Charo” Santos-Concio noong 2008 at bilang Chief Executive Officer noong Enero 2013. At noong 2014, nagwagi siya ng Gold Stevie Awards sa prestihiyosong Stevie Awards for Women in Business at saAsia Pacific Stevie Awards. Pinangalanan din siyang Asian Media Woman of the Yearng ContentAsia, isang nangungunang publication na pinagkukunan ng mahahalagang impormasyon tungkol sa entertainment media industry sa buong Asia-Pacific.

Sa TV, napapanood si Santos-Concio bilang host ng Maalaala Mo Kaya. Nag-umpisa siya sa industriya bilang aktres at nanalong Best Actress sa 1977 Asian Film Festivalpara sa kanyang pagganap sa pelikulang Itim. Nagsimula siya sa ABS-CBN bilang isang Television Production Consultant noong 1987 matapos maging line producer para sa iba’t ibang film production companies. Nagtrabaho rin siya bilang isang Film Production Manager sa Experimental Cinema of the Philippines, na siyang nagprodus ng pinakamahuhusay na pelikula sa bansa. Patunay din ang kanyang natatanging kontribusyon sa pelikula at broadcast industry ang maraming parangal na kanyang natanggap.

Nagtapos siya ng kursong Communications Arts, cum laude sa St. Paul’s College sa Manila at kumuha ng Advanced Management Program sa Harvard Business School noong 2007.

Ang nominees sa 2015 International Emmy® Nominees ay iaanunsiyo sa isang press conference sa Mipcom sa Cannes sa Lunes, Oktubre 5, 2015. Kasama sa sponsors ngayong taon ang Dori Media, Ernst & Young, Globo, Mipcom, Phoenix Satellite Television, Semba, Sofitel at Variety.

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *