ITINANGGI ni Robi Domingo na nag-walked-out siya sa set ng Gandang Gabi Vice na dapat ay kasama niyang guest ang girlfriend na si Gretchen Ho. Siksik talaga ang schedule niya noong araw na ‘yun mula 10 o’clock to 12 o’clock dahil mayroon siyang PBB Updates.
One o’clock to three o’clock naman ay mayroon siyang The Voice, three o’clock to five o’clock naman ang PBB Gold , six o’clock to 8:30 naman ang PBB Online, at 8:30-10:00 p.m. ang GGV. Nagkaroon lang ng miscommunication sa oras.
Hindi raw niya magagawang magpakita ng attitude sa harap ng girlfriend n’ya at sa staff ng GGV. Malaki raw ang respeto niya sa girlfriend ganoon din sa host ng GGV na si Vice Ganda.
Sayang nga lang dahil first time sana silang makita sa TV na iniinterbyu na magkasama at the same time ay makapag-promote na rin siya ng The Voice Kids Season 2.
TALBOG – Roldan Castro