Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Felix Manalo movie, sa Philippine Arena gagawin ang premiere night

082615 INC Philippine arena
BAGAMAT aminado si Dennis Trillo na pinakamalaki ang TF na natanggap niya sa lahat ng pelikulang nagawa niya ang epic bio-flick na Felix Manalo, ito rin ang  pinakamalaking movie na nagawa ng actor. Isa rin ito sa pinakamahirap dahil isang napaka-influential na tao ang kanyang ginagampanan, si Ka Felix Ysagun Manalo, ang founder at first Executive Minister ng Iglesia Ni Cristo (INC).

Nadagdagan ang talent fee ni Dennis  at nagkaroon ng  bagong kontrata nang mag-back-out si Albert Martinez na gaganap sana bilang matandang Ka Felix.

Pinakamahabang pelikula itong nagawa niya dahil umabot siya ng 59 shooting days.

Nagsakripisyo siya sa paglalagay sa kanya ng prosthetics at pinagsuot ng fat suit bilang old Ka Felix.

Kahit mainit at matagal ikabit ang prosthetics ay kaya naman daw niyang tiisin kahit pisikal ang hirap nito.

Challenge sa kanya ang pelikulang Felix Manalo dahil hindi siya INC. Isa siyang Katoliko na kinailangan din niyang pag-aralan ang relihiyon para mas magampanan ang karakter.

“Ang isang napaka-importanteng natutuhan ko sa Iglesia po, pinagbabasehan nila ‘yung Biblia. Dati naman po, hindi ko alam na ganoon, so ngayon, nalaman ko na lahat ng itinuturo nila ay doon ibinabase, sa Banal na Kasulatan,” deklara niya.

Puro  positive ang feedback at review ng press at mga critic sa trailer ng Felix Manalo. Hinuhulaan siyang magkaka-award sa movie na ito at posibleng  maging Grand Slam Best Actor .

Ipalalabas na ang Felix Manalo sa October 7 under Viva Films mula sa direksiyon ni Joel Lamangan. Si Bela Padilla ang gumaganap na Ka Honorata, ang asawa ni Ka Felix.

Magkakaroon din ito ng  napaka-grandeng premiere night sa October 4 sa The Philippine Arena na may 55,000 capacity, at ‘pag nagkataon, ito na ang pinakamalaking premiere night sa buong mundo, attempting to break the Guinness World Record for the largest attendance at a film screening.

Talbog!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …