KUNG inaakalang sapat nang matakot na tumawid sa tulay na lubid sa isang bangin, mag-isip dahil pahayag ng China kamakailan na may plano silang magpatayo ng world’s highest at longest glass-bottomed bridge sa buong mundo.
Sino mang may acrophobia ay tiyak na mangingilabot dito.
Tatato ang pinaplanong Zhangjiajie Grand Canyon skywalk sa tayog na 984 talampakan at ito ang magkokonekta sa dalawang bangin sa Zhangjiajie National Park. Plano ng mga arkitekto na gawin itong 1,410 talampakan ang haba (mahigit sa .27 milya) habang 20 talampakan lang ang lapad, kaya hindi magiging madaling tumawid dito.
Nagsilbing inspirasyon para sa backdrop ng pelikulang Avatar, ang Zhangjiajie National Park ay may kamangha-manghang tanawin nang mahigit 3,000 haliging gawa sa sandstone at iba pang mga nakabibilib na natural formation.
Itinakdang buksan ang tulay dito sa buwan ng Hulyo at sinasabing hahanay rin ito bilang isa sa mga tulay na pinakanaka-kikilabot ang taas. Kapag naitayo na, rito rin maaaring gawin ang pinakamataas na bungee jump sa mundo.
Ilan pa sa kamanghang-manghang tulay ang Yunyang Longgang Geological Park Bridge, na world’s longest cantilever bridge at matatagpuan sa Yunyang Longgang Geological Park sa Chongqing, China; ang Grand Canyon Skywalk sa Estados Unidos, na hugis sapatos ng kabayong steel frame at sahig na salamin; ang Trift Suspension Bridge sa Switzerland, na itinayo para sa mga hiker at may spectacular na tanawin ng Swiss Alps; at ang Kusma Gya-di Suspension Bridge sa Nepal, na longest suspension bridge sa nasabing bansa na kumokonekta sa lungsod ng Kusma sa Gyadichour sa Kusma Gyadi.
Kinalap ni Tracy Cabrera