Thursday , December 19 2024

Abangan si Arthur Dela Cruz sa Blackwater Elite

082615 art dela cruz
‘HAPPY and contented’ daw si San Beda College standout Arthur Dela Cruz sa pagkakakuha sa kanya ng Blackwater Elite bilang ninth pick sa 2015 PBA Rookie Draft, kahit sa ilang mga mock draft ay itinalaga siya sa third overall.

Pinaangat ni Dela Cruz ang sarili sa kakaiba niyang season performance para sa Red Lions sa National Collegiate Athletics Association (NCAA), sa pangunguna sa top MVP candidates ng kanyang liga at ipinakitang versatility sa magkabilang dulo ng basketball court.

Ngunit pagsapit ng draft day, nilampasana siya ng Rain or Shine, Meralco, Ginebra, NLEX at Star bago pinili ng Elite sa huling yugto ng first round.

“Expected ko ay late first round ako,” wika ni Dela Cruz matapos ang draft pick. “Pero nasa lista-han ko talaga ang Blackwater, NLEX or Rain or Shine with the 12th pick. Masaya naman ako sa naging result.”

Makakasama si Dela Cruz sa Blackwater team na sad-yang nahirapan makipagbabakbakan sa mga beteranong team sa first season ng PBA, at tunay ngang nangangailangan ang expansion team ng sariwang talento.

Handa naman si Dela Cruz na tugunan ito, lalo na dahil umaasa siyang mapapalaro siya nang mahahabang oras sa court sa paglalaro sa kanyang PBA team.

“Ang maganda lang sa Blackwater, magkaka-playing time ako,” dagdag ng San Beda star player. “So ngayon pa lang, sinasabi ko na, na magandang opportunity sa akin ito, para maipakita ko sa PBA, at especially sa mga fans, na capable ako maglaro sa PBA, and especially sa Blackwater kasi hindi masyado maraming players.”

“Ibibigay ko iyong kaya ko,” wika niya.

Gayon pa man, sinabi rin ni Dela Cruz na may ilang mga beterano sa mga pambato ng Blackwater na kayang punan ang kakula-ngan sa koponan para manalo.

“I know na veterans na ito, so they know what they’re doing,” he said. “Susuportahan ko sila all throughout.”

Samantala, nagpahayag naman ng kasiyahan si Blackwater head coach Leo Isaac sa pagpasok ni Dela Cruz sa pagsabing ang Red Lion skipper ay “may potensiyal na magningning.”

“He’ll play a huge role for us,” ani Isaac. “He can play inside and out. For now, we don’t have a natural forward, and we only have a combo forward.”

ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Quendy Fernandez Swim BIMP-EAGA

Fernandez, bagong sirena ng aquatics sa BIMP-EAGA

Puerto Princesa City – Humakot ng tatlong ginto si Quendy Fernandez para pangunahan ang arangkada …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *