Tuesday , April 15 2025

Piyansa ni Enrile sablay sa batas

082515_FRONT copy

HINDI nakabatay sa batas ang pagpayag ng Korte Suprema na makapagpiyansa si Sen. Juan Ponce-Enrile sa kasong plunder.

Ito ang inihayag kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III sa Cebu City.

Hindi aniya ikinonsidera ng Supreme Court ang mga ebidensiyang inihain laban kay Enrile na nagsasangkot sa senador sa pork barrel scam.

“Importante yatang kilalanin na ‘yung sa desisyon ng Korte Suprema, wala silang binabanggit tungkol sa ebidensiya. Tila nakasentro sa edad at sa kalagayan ng kalusugan ni Senator Enrile. Parang wala naman sa mga batas natin ‘yung mga grounds na ‘yun,” anang Pangulo.

Ngunit sa kabila nito’y wala aniyang magiging epekto ito sa kampanya ng kanyang administrasyon laban sa korupsiyon.

“Tuloy-tuloy ang kampanya natin,” aniya.

Nauna nang napa-ulat na inutusan ng Pangulo ang kanyang legal team na repasohin ang pasya ng SC para maka-pagpiyansa si Enrile.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Dead Road Accident

2 patay, 7 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

PATAY ang dalawa katao habang pito ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Commonwealth …

041425 Hataw Frontpage

2 grade 8 students dedo sa saksak ng 3 menor de edad

HATAW News Team DALAWANG Grade 8 students ang napaslang sa pananaksak ng tatlong estudyante rin, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *