HINDI pa rin makawala sa birit itong si Jed Madela.
Sa kanyang mall tour recently for his Iconic album, birit kung birit siya ng mga kanta nina Mariah Carey, Whitney Houston, at Barbra Streisand. Naloka ang audience sa version niya ng Evergreen ni Barbra at lalo silang nawindang sa kanyang Didn’t We Almost Have It All version ni Whitney.
“Napansin ko ‘yan dati. Kapag mall show ang iniisip ko, mall show lang ‘yan, relax lang tayo. Kung ang line-up ko ay relax lang na kanta, relax din lang ang mga tao. Once na kumanta ako ng high notes, nagwawala sila, nagwa-wild sila. Roon ko nakukuha ang kiliti ng tao,” chika niya sa amin.
Bilang perfomer, say ni Jed, “you should give your best kapag nagpe-perform kasi ‘yun ‘yong hinahanap ng tao kasi once na nakita nila na hindi ka masaya sa ginagawa mo pati sila hindi na rin masaya sa performance mo.”
Maraming bagay na natutuhan si Jed sa music veterans like Martin Nievera and Gary V..
“I’ve learned from them, number one, aside from the talent kasi given na ‘yon, is attitude. It’s the attitude towards work and the people you work with. Importante ‘yon. Hindi ka nag-iisa sa industriyang ito. It takes other people to help you so kailangan kang makisama. Learn how to keep your feet on the ground,” he said.
Sa ngayon ay abala si Jed sa pagme-mentor at pag-i-scout ng talents for Team Philippines para sa WCOPA.
“I’m more on helping those who don’t have the means to be on TV. I’m part of this group of Team Philippines. Nagpapadala tayo ng contestants sa WCOPA. I try to train them. I try to share whatever can para tulungan sila, para bigyan ng opportunities. Isinasama ko sila sa mga show ko, ginagawa ko silang guests para mapansin sila, para makita sila,” say ng magaling na singer.
UNCUT – Alex Brosas